Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 100 bagong kaso ng Omicron subvariants sa bansa.
Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, nadagdagan ng 95 ang kaso ng Omicron BA.5 sa bansa.
83 sa bilang ay gumaling na habang 5 ang nananatili sa isolation.
11 sa bagong kaso ng Omicron BA. 5 ay nagmula sa Region 11; 25 sa Region 12; at tig-isang kaso sa Caraga, Region 10 at sa Metro Manila.
Maliban sa Omicron BA.5, nakapagtala rin ng DOH ng 7 bagong kaso ng BA.4 at dalawang kaso ng BA.2.12.1.
Fully vaccinated na ang mga ito, at kapwa gumaling na rin sa sakit.
Wala namang na-detect na bagong kaso ng BA.2.75 subvariant o Centaurus’ variant ang DOH.
Sa kabuuan, mayroon nang 3, 107 BA.5 cases na na-detect sa Pilipinas; 104 cases ng BA.4; at 174 cases ng BA.2.12.1.