Nasa mahigit 100 balota ang nawawala sa Barangay Rang-Ayan, Isabela.
Dahil dito, nagpulong ang electoral board at ipapadala sa apat na kalapit na barangay ang mga hindi na-accomodate na rehistradong botante.
Ayon kay Atty. Michael Camangeg, Isabela Provincial Election Supervisor na inalapat ng electoral board ang Commission on Elections resolution no. 10759 na nagtatalaga ng protocol sa mga ganitong kaso ng mga nawawalang mga balota.
Aniya, ang mga balota na ginamit ang mga taga rang – ayan ay isasama sa mga kahon ng mga barangay kung saan sila bumoto, hindi sa rang ayan.