Nakasailalim ngayon ang mahigit 100 Barangay sa National Capital Region o NCR sa granular lockdown.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Base sa National Capital Region Police Office o NCRPO, nasa ilalim ng granular lockdwon ang 99 na barangay sa Quezon City, 12 sa Caloocan at Malabon, 10 sa Muntinlupa, Taguig at Pateros at pito naman sa San Juan at Mandaluyong.
Ayon sa ncrpo, ang mga nasabing lugar, hindi papayagang lumabas ang mga hindi otorisado.
Una na ritong sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na sa ng Setyembre 8 uumpisahang isailalim sa granular lockdown ang Metro Manila.
Samantala, hindi naman binaggit ni anio kung saan ggawin ang pilot ng granular lockdown sa NCR.