Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard o PCG at National Bureau of Investigation o NBI ang may isandaan at tatlumpu’t siyam (139) kataong hinihinalang biktima ng human smuggling sa Orion , Bataan.
Isinagawa ang operasyon base sa impormasyon mula sa National Coast Watch Center na nasa ilalim ng tanggapan ng Pangulo.
Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima ng barkong MV Forever Lucky na dadalhin sana sa Micronesia.
Nadiskubre sa barkong pag-aari ng Fahrenheit Limited na wala ding certificate of public convenience mula sa marina para makapag-operate bilang pampasaherong barko.
Sa ngayon hawak ng Coast Guard ang 40 tripulante ng barko at iniimbestigahan base sa ipinakitang mga pekeng special permit to navigate.
(Ulat ni Aya Yupangco)