Nasa 109 na bus ang naghahatid ng Libreng Sakay sa lungsod ng Quezon City.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na nagpapatuloy ang kanilang Libreng Sakay Program sa walong ruta sa naturang lungsod.
Tumatakbo aniya ang mga bus mula ala-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
Nabatid na panahon pa ng pandemya ng simulan ang Libreng Sakay Program sa lungsod na mas pinaigting pa ng LGU dahil sa pagdami ng mga pasahero kasabay na rin ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.