Idineport ng Bureau of Immigration ang mahigit sa 100 Chinese na empleyado ng negosyanteng si Jack Lam sa kanyang umano’y iligal na online gambling operations.
Nauna nang dineport noong sabado ang 19 sa kanila habang patuloy pang pinoproseso ng ahensya ang pagpapabalik sa China ng iba pa nilang katrabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga.
Ayon sa mga operatiba ng Bureau of Immigration, nahaharap sa nga kasong overstaying, pagtatrabaho nang labag sa limitasyon at kondisyon ng kanilang visa, at pagtatrabaho sa hindi lisensyadong online gaming business.
Matatandaang inaresto noong Nobyembre ang may higit sa 1300 Chinese sa casino ni pag-aari ni Lam.
By: Avee Devierte