Mahigit 100 opisyal at empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nag-positibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa Antigen tests.
Kabilang sa mga nagkasakit ang 27 naka-assign sa Office of the CAAP Director General, 41 sa Aeronautical Fixed Service at 19 sa Air Traffic Service.
Ayon sa CAAP, naka-self-isolate na sa kani-kanilang bahay ang mga COVID-Positive Official at Personnel at sasailalim pa sa RT-PCR tests.
Tinatayang isanlibong persnonnel ng nasabing ahensya ang nagtatrabaho na ng 12 oras kada araw makaraang tamaan ng COVID-19 ang ilan nilang kasamahan.
Samantala, sasailalim din sa Antigen test ngayong araw ang panibagong batch ng mga opisyal at empleyado ng CAAP.