Aabot na sa 103 empleyado ng Civil Service Commission (CSC) ang tinamaan ng COVID-19.
Hindi pa kasama sa bilang na ito ang 14 na regional offices sa bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na patuloy ang kanilang pangangalap ng datos upang malaman ang bilang ng mga kawani na nagpositibo sa sakit.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) para sa mga kaukulang hakbang.