Regular na sa trabaho ang karagdagang 109 na empleyado ng Pasig City Hall.
Sa facebook post ni Mayor Vico Sotto, inanunsyo nito na kabuuang 163 ang bilang ng na-regular na empleyado sa City Hall mula noong buwan ng Enero hanggang Pebrero.
Karamihan umano sa mga ito ay 20 taon nang nagtatrabaho bilang contractual employees.
Kasabay nito, nilinaw ni Sotto na walang halong pulitika ang pagre-regular sa naturang mga empleyado.
Sa katunayan aniya ay nais niyang maalis ang kultura ng palakasan sa lokal na pamahalaan ng Pasig.
Kaya kwalipikasyon at maayos na track record umano ang naging batayan ng pagiging regular ng bawat empleyado.