Nakalabas na ng ospital ang mahigit isandaang (100) estudyanteng isinugod sa ospital matapos umanong kumain ng inihandang spaghetti sa kanilang Christmas party noong Biyernes sa Lianga, Surigao del Sur.
Pare-parehong nakaranas ang mga estudyante ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulisya sa nangyaring insidente.
—-