Ilang foreign vessels ang namataan ng geospatial data provider na Simularity malapit sa islang sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.
Ayon kay Liz Derr, founder at CEO ng Simularity, 68 foreign vessels ang namataang malapit sa Julian Felipe Reef at 39 sa Union Banks.
Bahagya itong nabawasan kumpara sa namataan noong March 2021 na nasa 200 chinese vessels.
Una nang kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang ito ng China kung saan ilang bangka pa ng mga Pilipino ang binombahan nila ng tubig.–-sa panulat ni Abby Malanday