Nasunog ang mahigit 130 kabahayan sa dalawang magkasunod na sunog sa Cebu, kaninang madaling araw.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Cebu City Fire Station, nagmula ang sunog sa inuupahang kwarto ng isang mag-asawang kapwa bulag.
Hindi pa namamataan ang mag-asawa matapos ang insidente kaya inaalam ng mga awtoridad kung na-trap sila sa nasunog na bahay.
Tinatayang aabot sa P200,000 ang pinsalang idinulot ng sunog.
Samantala, bandang alas-2:45 naman ng madaling araw nang magsimula ang ikalawang sunog kung saan napinsala ang nasa 100 bahay sa barangay Pusok, Lapu-Lapu City.
Nagsimula ang apoy sa napabayaang kandila sa bahay ng isang Francisca Nacional.
Pansamantalang nanunuluyan sa pusok national high school ang mga nasunugan.
By: Meann Tanbio