Nasa humigit kumulang 100 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos lamunin ng apoy ang nasa may 120 bahay sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
11:00 ng gabi nitong Biyernes nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Purok Ubre, Barangay Gun-OB sa nasabing lungsod na umakyat pa sa task force alpha.
2:00 ng hapon kahapon naman nang ideklara itong fire under vontrol ng mga kagawad ng pamatay sunog at tuluyang naapula makalipas ang 2 oras.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagmula ang sunog sa bahay ng isang Juanito Vaflor.
Bagama’t wala namag naitalang sugatan o nasawi sa nasabing sunog, patuloy ang isinasagawang imbestasyon dito ng mga tauhan ng BFP at inaalam ang sanhi at kabuuang halaga ng mga napinsalang ari-arian.