Kinumpirma ng Department of Migrant Workers sa Philippine Consulate General na walang birth certificate ang nasa 146 na mga anak ng mga Pilipinong nasa United Arab Emirates.
Kasunod ito ng isinagawang unang labindalawang araw ng implemetasyon ng “two-month amnesty program” Ng U.A.E.
Ayon kay Migrant Worker Labor Attache John Rio Bautista, umabot sa 146 na kaso ng mga bata na anak ng mga pinay ang walang birth certificates.
Kaugnay nito, natapos na aniya ang ilang kaso kung saan patuloy na inaasikaso ng MWO ang mga certificate ng mga bata na karamihan ay sanggol pa at edad hanggang limang taon.
Inaasahan din ng ahensya ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang pilipino na walang birth certificate sa U.A.E. sa pagpapatuloy ng nasabing amnesty program.