Mahigit 100 katao ang binihag umano ng grupong Taliban matapos tambangan ang tatlong bus sa isang kalsada sa hilagang bahagi ng Afghanistan.
Ang pagbihag na karamihan ay mga babae at kabataan ay sa kabila ng anunsyo ni Afghan President Ashraf Ghani ng isang conditional ceasefire sa Taliban sa darating na Eid Al Adha.
Sinabi ni Mohammad Yusouf Ayubi, pinuno ng provincial council ng Kunduz na posibleng naghahanap ng mga empleyado ng gobyerno o kaya’y mga miyembro ng security forces ang mga miyembro ng Taliban.
Ayon kya Abdul Rahman Aqtash, hepe ng pulisya sa kalapit na Takhar Province, nagmula ang mga pasahero sa kanilang lugar at sa Badakhshan at patungo sana ng Kabul, capital ng Afghanistan.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang Taliban sa nasabing usapin.