Mahigit 100 katao ang nilapatan ng lunas dahil sa hinihinalang chemical leak sa southeast England.
Ayon sa ulat, lumikas ang mga tao sa Birling Gap Beach sa Sussex Coast matapos makaranas ang mga ito ng hirap sa paghinga, pagsusuka at paghapdi ng kanilang mga mata.
Ayon sa Eastbourne District General Hospital, aabot sa 133 pasyente na may pare-parehong daing ang isinugod sa kanila at nilapatan ng lunas.
Kasalukuyan nang inaalam ng mga pulis sa Sussex kung chemical haze ang sanhi ng naturang insidente.
By Ralph Obina