Mahigit isandaan (100) katao ang nasawi sa hinihinalang chemical attack sa northwestern Idlib province ng Syria.
Ipinabatid ito ni Turkish President Tayyip Erdogan na sinisisi si Syrian President Bashar Al Assad sa nasabing pag-atake at tinawag pa itong “murderer”.
Ayon sa isang monitoring group, maraming bata ang kabilang sa death toll sa gitna na rin nang pagkilos ng medics at rescue workers sa nasabing baluwarte umano ng mga rebelde.
Ang naturang chemical attack ay kinondena rin ng Amerika, Britain at France na kapwa isinusulong pa ang isang UN Security Council resolution na kumukondena sa nasabing pag-atake.
By Judith Larino