Umabot na sa 102 katao ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa Bangladesh.
Sa pahayag ng Health Emergency Operation Center and Control Room, karamihan sa mga biktima ay tinamaan ng kidlat, nakagat ng ahas at nasawi dahil sa pagkalunod.
Ayon kay State Minister for Disaster Management and Relief, MD Enamur Rahman, sa 64 na distrito, 27 dito ang pinaka-apektado ng pagbaha at pag ragasa ng mga bato at putik.
Dahil diyan, nasira ang maraming tirahan at mga pananim sa malawak na bahagi ng hilaga at hilagang-silangan ng nabanggit rehiyon.
Sa ngayon, nakikipagsapalaran ang mga otoridad sa malakas na agos ng baha para makapaghatid ng mga suplay ng pagkain at inumin sa maraming residente sa hilagang-silangan at hilagang distrito ng Bangladesh.