Patay ang tinatayang 125 katao habang sugatan naman ang 208 na iba pa sa panibagong karahasan sa Sudan.
Ayon sa ulat, nilusob ng mga armadong grupo ang mga ospital pero agad silang naitaboy ng mga pulis at sundalo sa Dafur region.
Sinasabing ito na ang pinakamatinding sagupaan na naganap mula nang mailatag ang peace agreement noong nakaraang taon.
Matatandaang nilisan ng United Nation peacekeepers ang Sudan matapos maisakatuparan ang usapang pangkapayapaan noong 2020.