Sumampa na sa halos 130 ang patay sa pagkalat ng sakit na “black death” sa Madagascar.
Kabilang ang mga naturang fatality sa 1,800 kaso ang naitala sa nakalipas lamang na tatlong buwan.
Nangangamba ang World Health Organization na kumalat sa ibang bahagi ng Africa o maging isang global pandemic ang black death at ito sa ngayon ang pinakamalalang outbreak ng naturang sakit sa Madagascar sa nakalipas na 50 taon.
Ang black death ay sanhi ng bacteria na yersinia pestis na nakukuha sa daga at mga pulgas na namamahay sa naturang hayop at isa sa pinaka-nakahahawang sakit na kumitil na ng 200 milyong katao sa Europa, Asya at Africa mahigit 600 taon na ang nakararaan.
—-