Nakatakdang magbigay ang Saudi Arabia ng aabot sa isandaan at limampung (150) milyong dolyar para isaayos ang mga mosque sa silangang bahagi ng banal na lungsod ng Herusalem.
Ito ang inihayag ni Saudi King Salman sa pagbubukas ng Arab League Summit sa Eastern City ng Dharhran kahapon bilang pagsuporta sa Palestine sa gitna na rin ng sigalot sa pagitan nito at ng Israel.
Kaugnay niyan, inanunsyo rin ng Saudi King ang pagbibigay ng karagdagang limampung (50) milyong dolyar sa united nations bilang ayuda sa mga refugees mula sa naturang bansa.
Kasunod nito, binatikos ng Saudi King ang Amerika dahil sa desisyon nitong ilipat sa Jerusalem mula sa Tel-Aviv ang embahada nito bilang pagkilala sa Israel na siyang nakasasakop sa banal na lungsod.
—-