Mahigit 100 mangingisda ang nawawala sa ilocos region dahil sa bagyong kabayan.
Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC, kabuuang 121 mangingisda at 23 fishing vessels ang nawawala matapos manalasa ang nasabing bagyo.
Karamihan sa mga nawawalang mangingisda ay mula sa pangasinan.
Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operations ng Philippine National Police, Philippine Coastguard, Philippine Army at ilang volunteer fishermen sa mga coastal waters sa La union at Pangasinan.
By: Meann Tanbio