Nakapagturok na ang gobyerno ng 111.9 milyong doses ng COVID-19 sa mga Pilipino.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje, umabot na sa 57,446,651 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang doses.
Nasa 51,655,649 ang nakatanggap ng ikalawang dose o ‘yung mga fully vaccinated at 2,806,530 ang nakatanggap ng booster shot.
Tiniyak naman ni Cabotaje na nananatiling sapat ang suplay ng bakuna sa bansa sabay paghikayat sa iba na magpabakuna na kontra COVID-19.—sa panulat ni Abigail Malanday