Kinondena ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang pagpaslang sa higit 100 drug suspect sa loob lamang ng ilang araw.
Ayon kay Bishop Bacani, hindi mapangangatwiranan ng opensiba ng pamahalaan laban sa iligal na droga ang pagpatay sa mga drug suspect.
Dagdag pa ng obispo, dapat igalang ng mga alagad ng batas ang buhay at ang due process of law.
Hindi dapat aniyang gampanan ng mga pulis ang mga papel ng taga-akusa, hukom, at berdugo.
Una nang ipinangako ni PNP Chief Ronald Dela Rosa at Solicitor General Jose Calida na sagot nila ang mga pulis na kukwestiyunin dahil sa dumaraming drug suspect na napapaslang.
By: Avee Devierte