Babalik na sa bansa ang higit 100 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Riyadh.
Karamihan sa mga ito ay tumakas mula sa amo habang ang iba ay natapos na ang kontrata ngunit walang sapat na pera para makauwi ng Pilipinas.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inasistihan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga ito para makauwi.
Matatandaang pansamantalang nanirahan sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang mga OFW habang inaayos ang mga dokumentong gagamitin para sila ay makauwi.