Kinasuhan ang mahigit 100 mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa korupsiyon.
Alinsunod ito sa naging utos ng Office of the Ombudsman na tanggalin sa pwesto ang mga nakitaan ng anomalya.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nasa floating status na ang 119 na empleyado ng ahensiya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa kanila para sa mga kasong administratibo at kriminal.
Batay sa midyear report ng BOC, nakapagtala ng 120 kasong administratibo at 20 ang kasong kriminal laban sa mga tauhan ng BOC kung saan anim na sa mga ito ang tuluyang nasibak.