Mahigit 100 Pinoy sa Cambodia ang nabiktima ng trabaho scam ang na-rescue simula pa noong nakaraang taon.
Ito ay sa pangunguna ng Philippine Embassy sa Phnom Penh kung saan nasagip ang 61 OFWs noong 2021 habang 50 naman ngayong taon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga OFW ay na-recruit sa pamamagitan ng online scamming at “catfishing” activities sa Cambodia.
Ang catfishing ay tumutukoy sa paggamit ng pekeng online na katauhan para makapanloko ng iba.
Muli namang nagbabala ang Philippine Embassy at DFA sa mga Pilipino abroad na huwag tumanggap ng trabaho na inaalok online na nangangako ng malaking sweldo mula sa unverified companies.