Umaabot sa 107 preso mula sa Marawi City Jail at Malabang District Jail ang pinakawalan ng Maute Group.
Batay sa natanggap na report ni DILG Officer in Charge Undersecretary Catalino Cuy mula sa Marawi, dinisarmahan at itinali ng mga miyembro ng Maute ang mga Jail Officer ng nasabing mga kulungan .
Sinira ang padlock ng mga selda at pinakawalan ang lahat ng bilanggo doon.
Ayon kay Cuy, tinangay din ng mga terorista ang issued firearms ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology, dalawang SUV’S, dalawang motorsiklo at ang mga cellphone ng mga naka-duty na jail guard.
Tumakas ang mga terorista gamit ang dalawang prison van.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal