Isinalang sa surprise drug testing ang isang daan at labing-siyam na pulis (119) sa Zamboanga City.
Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ng bagong City Police Office director na si Police Col. Alexander Lorenzo.
Ayon kay information officer Police Lt. Leah May Alameda, ang aktibidad ay bahagi pa rin ng internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP).
Nagbabala naman si Lorenzo na hindi sila mangingiming sampahan ng kaso ang sinumang pulis na mapatutunayang sangkot sa illegal activities, lalo na sa illegal drugs, smuggling, illegal gambling, at iba pa.