Kabuuang isang daan at limampu’t apat (154) na guerrilla fighters mula sa Papua Province ang sumuko sa Indonesian government.
Ayon sa Indonesian Army, ang mga rebelde ay mga kasapi ng Free Papua Movement na matagal nang nag-aaklas at naghahangad na humiwalay sa Indonesia.
Pagmalalaki ng sandatahang lakas ng Indonesia, kaya kusang-loob na sumuko ang mga gerilya ay bunsod ng ginawa nilang humanitarian approach.
Sa isang seremonya, binigyan ng red-and-white flag ang isang kinatawan ng mga rebelde bilang simbulo ng pagbabalik-loob nila sa pamahalaan ni Indonesian President Joko Widodo.
By Jelbert Perdez