Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit isandaang ruta na dati nang ginagamit bago ang pandemya para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) bilang paghahanda sa pasukan sa Agosto a-22.
Ayon kay LTFRB Chairperson Cheloy Garafil, nasa 133 ruta ang muling bubuksan sa Metro Manila, kung saan tinatayang nasa 11 PUV ang makikinabang.
Mababatid na nakapaloob sa dalawang memorandum circular ng LTFRB ang pagbubukas ng mga ruta.
Samantala, inaasahan na bubuksan ang 33 pang ruta para naman sa mga City bus na hindi dumadaan sa Edsa.