Mahigit 100 security personnel ang nasawi sa pag-atake ng Taliban militants sa Central Afghanistan.
Pumasok ang mga militante sa training center ng National Directorate for Security sa Maidan Wardak Province bitbit ang mga pampasabog bago sumunod ang dalawang gunmen na nagpaulan ng mga bala kasunod naman ang pagbaril sa mga ito.
Ayon sa isang senior military official, lalo pang na pressure ang Afghan Security Forces dahil sa pagpapalakas ng Taliban fighters sa kanilang operasyon sa kabila nang pagsisimula ng diplomatic efforts para sa isang mapayapang pag-aayos sa nasabing kaguluhan.