Mahigit 100 personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa PCG, sa kabuuan ay aabot na sa 133 PCG officers at personnel mula sa national headquarters ang tinamaan ng sakit.
Kaugnay nito, pansamantalang naka-lockdown ngayon ang tatlong opisina ng PCG National Headquarters dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng virus.
Kabilang dito ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Comptrollership, Coast Guard Public Affairs, at Coast Guard Finance Service.
Patuloy naman ang trabaho ng ibang tanggapan ng PCG na kasalukuyang nakatutok sa mga sitwasyon ng mga pantalan sa bansa. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)