Hindi ma access ang higit sa isandaang websites sa gobyerno.
Ayon sa Department of Information and Communication Technology alas 3:00 kahapon ng madaling araw nang ma offline ang 170 government websites dahil sa nasirang server.
Inamin ng DICT na nuong Lunes pa nila napansin ang pagloloko ng ilang server na pag aari ng gobyerno.
Isinantabi naman ng mga otoridad ang posibleng pananabotahe sa sitwasyon na iniimbestigahan na rin ng DICT.
Sinabi ng DICT na ang posibleng pag malfunction ng mga server ng gobyerno ay dahil karamihan sa mga ito ay luma na.
Posible anitong abutin ng ilang araw bago muling maibalik sa grid ang mga offline na government websites.