Ipinapa-patay na ang lahat ng baboy sa Davao Occidental.
Ipinag utos ito ni Governor Claude Bautista matapos magdeklara ng State of Calamity dahil sa pagkalat ng African Swine Flu (ASF).
Layon nito na hindi na kumalat pa at makalabas pa ng Davao Occidental ang ASF.
Tinatayang nasa 1,000 baboy sa buong lalawigan ang nakatakdang isalang sa de-population.
Sa tulong ng militar, inaasahang matatapos ang de-population ng mga baboy sa susunod na dalawang linggo.
Ang mga baboy ay ibabaon sa lupa na malayo sa komunidad, sapa, at ilog.
Makakatanggap naman ng P5,000 ayuda ang mga hog raisers sa kada baboy.