Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,326 COVID-19 cases, kahapon.
Ito na sa ngayon ang pinakamababang daily new cases na naitala ng DOH simula noong July 6.
Bumagsak din sa 23,272 ang active cases sa bansa kahapon, kumpara sa 24,493 noong Lunes.
Nakapagtala naman ang Kagawaran ng karagdagang 2,432 recoveries kaya’t sumampa na sa kabuuang 3,809,450 ang gumaling.
Tumungtong naman sa 62,062 ang delth toll matapos madagdagan ng 56 habang sumirit pa sa 3,894,840 ang total case load.
Ang National Capital Region pa rin ang nangunguna sa may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo, mahigit 9K; sinundan ng CALABARZON, higit 4K at Central Luzon, higit 2K.