Nakapagtala ng mahigit 1,000 bagong kaso ng HIV o Human Immonudeficiency Virus sa bansa ang Department of Health o DOH nitong Hunyo.
Ayon sa epidemiology bureau ng DOH, nasa kabuuang 1,006 na indibiduwal ang naitalang positibo sa HIV mas mataas sa 993 kasong naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Sa nabanggit na bilang, 19 na porsyento o 194 ang may clinical manifestation ng advanced HIV infection.
Dagdag ng DOH, nananatili namang nangungunang dahilan ng pagkahawa sa HIV ang sexual contact na umabot sa 98 porsyento o 983 kaso.