Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1 ,009 nahawa sa COVID-19 ngayong araw.
Batay sa huling datos ng DOH, sumampa na sa 18,035 ang active COVID-19 cases sa bansa.
Mula ito sa kabuuang 4,051,754 nationwide caseload.
Samantala, naitala rin ng kagawagan na umabot sa 3,968,775 ang kabuuang gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, habang 64,944 ang bilang ng mga nasawi.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng CALABARZON at Central Luzon.