Nakahambalang sa mga kalsada ang mahigit 1,000 poste ng kuryente na naiwan at hindi na inilipat sa puwesto matapos ang isinagawang road widening ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Alberto Suansing, secretary general ng Philippine Global Road Safety Partnership, kinakailangang magbayad at kumuha ng karagdagang puwestong lilipatan para sa mga tinamaang poste ng kuryente habang isinasagawa ang road widening.
Paliwanag naman ng Manila Electric Company (Meralco), kadalasan ay wala ng mapuwestuhan ang mga naturang poste o di kaya’y huli ng mag-abiso ang DPWH kaugnay sa kanilang mga road widening projects.
Nangako naman ang Meralco maging ang DPWH na gagawa sila ng karampatang aksyon sa mga naturang obstruksiyon sa kalsada.