Mahigit 1K indibidwal sa Butuan City, Agusan del Norte, ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan bunsod ng pagbahang dulot ng Low Pressure Area.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kabilang sa mga naapektuhang barangay ang Libertad, Pangabugan, Maon, Villa Kananga, Imadejas, Ambago, San Vicente, at Bonbon.
Nabatid na umabot sa hanggang baywang ang baha sa ilang lugar kaya’t maraming mga residente ang napilitang lumikas dahil sa pangambang lalo pang tumaas ang lebel ng tubig bunsod nang walang patid na pag-ulan.
Samantala, nagkaloob naman ang City Health Office ng vitamins at mga gamot sa mga residenteng nagkakasakit sa evacuation centers.