Umabot na sa 1,060 ang bilang ng mga pasahero at transport workers na nabakunahan sa ipinatupad na we vax as one program sa PITX nitong Enero 24 hanggang 27.
Ayon kay acting spokesperson at cabinet secretary Karlo Nograles, pinanghahandaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalalawak ng programang ito sa iba pang istasyon, pantalan, o terminal sa bansa.
Sa huling bilang, umakyat na sa higit 125.6M doses ang bakunang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa.
Sa bilang na ito, 58.4M ang fully vaccinated habang 7M ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna. —sa panulat ni Abby Malanday