Umabot na sa mahigit 1,000 ang bilang ng nasirang mga paaralan sa sunod – sunod na lindol na tumama sa Mindanao.
Ayon sa DepEd disaster risk reduction and management service, sa kabuuan ay umabot na sa 1, 047 ang paaralan na umabot sa P3.3-B.
Pinakaraming nasira sa SOCCKSARGEN Region na umabot sa 670 eskwelahan at sinundan ng Davao Region na may 274 na nasirang paaralan.
Sinabi ng DepEd na kinakailangan nito ng P8-B para maisaayos, rehabilitate at muling itayo ang mga sirang paaralan.