Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs O BOC sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang may 1,532 imported na mga pagong.
Ayon kay Customs District Collector Mimel Talusan, dumating sa bansa ang isang maleta na naglalaman ng mga puslit na pagong kaninang mag-a-ala una ng hapon lulan ng Philippine Airlines Flight PR 311 mula sa Hongkong.
Gayunman, hindi pa matukoy ng mga awtoridad sa paliparan kung sino sa mga pasahero ng nasabing flight ang may dala ng mga pagong dahil sa takot ay inabandona na lamang iyon sa arrival area.
Ito ang dahilan kaya’t nagpasya ang mga tauhan ng Customs na isailalim sa X-ray ang nasabing maleta para mabatid ang nilalaman nito at duon na tumambad ang mga buhay na pagong.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang Customs sa pamunuan ng pal upang malaman kung kanino nakapangalan ang nasabing bagahe para magawan ng aksyong ligal.