Tumaas ang ranggo ng mahigit isang libong (1,000) pulis nitong ikalawang semester ng 2016.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Dir. Oscar Albayalde na siyang nangasiwa sa seremonya, kabilang sa mga na-promote ay kinabibilangan ng 92 police commissioned officers at 947 na police non-commissioned officers.
Sa mga nabigyan ng promosyon, 22 ang naging chief inspector, 41 ang naging police senior inspector at 29 ang naging police inspector.
By Katrina Valle | Report from: Allan Francisco (Patrol 25)