Mahigit isanlibong (1,000) trabaho ang alok ng tatlong bansa para sa mga manggagawang Pilipino.
Ito ayon sa Philippine Overseas Employment Agency o POEA ay mula sa mga bansang Taiwan, Germany at Saudi Arabia sa ilalim ng government to government program.
Sinabi ng POEA na ang Ministry of Health ng Saudi Arabia ay nangangailangan ng 500 babaeng specialist nurses para sa neonatal ICU, coronary care unit, nursery, emergency room, surgical wards at ob gyne.
Tatlong kumpanya naman mula sa Taiwan ang nangangailangan ng mahigit 100 manggagawa kabilang ang male technicians, male refrigeration and air conditioning maintenance workers, machine operators at iba pa.
Nangangailangan din ng nurses ang Germany.
Ang mga kuwalipikadong aplikante ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia ay kailangan lamang mag-register on line sa www.poea.gov.ph o www.eservices.poea.gov.ph
—-