Mahigit 10,000 manggagawa ang agad ini-regular sa trabaho ng halos 200 business establishment.
Ito’y bilang pagtalima sa kampanya ng Duterte administration at Department of Labor and Employment (DOLE) na tuldukan na ang “end of contract” o “endo.”
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang nabanggit na bilang ay 20 porsyento pa lamang ng 50 percent target na wakasan ang kontraktuwalisasyon sa pagtatapos ng taong 2016.
Nangangahulugan anya ito na “on track” ang layunin ng gobyerno na bigyan ng job security ang mga manggagawa.
Kabilang sa mga kumpanyang tumalima sa kautusan ng DOLE ang Philippine Seven Corporation na operator ng 7-11 convenience store franchise na nag-regular ng 800 empleyado at SM Group of Companies na nag-regular naman ng 4,800 manggagawa.
By Drew Nacino