Nanatili pa rin ang mahigit 10,000 katao sa mga evacuation centers sa Cagayan matapos ang pananalasa ng bagyong Ramon at Sarah.
Ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, 10, 769 o 3,314 na pamilya pa rin ang nasa 181 evacuation centers sa lalawigan.
Aabot sa 20 munisipalidad ang lubhang naapektuhan ng pagtama ng dalawang bagyo.
Samantala, wala namang naitalang nasaktan at nasugatan sa pananalasa ng naturang kalamidad.