Ibinida ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mahigit 100,000 manggagawang naging regular sa kanilang trabaho sa loob ng taong 2017 .
Ito’y matapos paigitingin ng DOLE ang kampanya laban sa iligal na kontraktwalisasyon.
Batay sa year-end report ng Bureau of Working Conditions nasa kabuuang 125,352 na manggagawa ang naging regular sa trabaho.
Nakinabang naman sa ilalim ng voluntary regularization ang aabot sa 8,697 na manggagawa at nakatakdang madagdagan pa ng 48,286 na manggagawa na gagawing regular pa ng kanilang mga employer sa pagtatapos ng taon.
—-