Pumalo sa mahigit 100,000 ang mga pasaherong dumagsa sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa kahapon, Black Saturday.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kabuuang 105,922 ang mga naitalang outbound passengers mula ala-sais ng ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali kahapon, April 20.
Bahagi ang nagpapatuloy na passenger monitoring sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019 na inilunsad ng Department of Transportation (DOTr).
Pahayag ng PCG, tuloy-tuloy ang gagawin nilang pagbabantay ng sitywasyon sa lahat ng seaports sa bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong Holy Week.
Mga panatalan sa bansa nitong Holy Week walang naranasang aberya — PCG
Walang naranasang malaking aberya sa mga pantalan sa bansa sa gitna ng pagdagsa ng mga pasaherong nagbakasyon at nagsiuwian sa kani-kanilang probinsya sa paggunita ng Semana Santa.
Ito, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Captain Armand Balilo, ay hanggang sa ngayon kung saan nagsisimula ng magsibalikan sa kamaynilaan ang mga bakasyonista mula sa kanilang mga probinsya.
Patuloy din aniya ang pinaiiral nilang mas pinaigting na seguridad sa mga pantalan.
Samantala, inaasahan naman aniya nila na mas dadami pa hanggang bukas ang mga biyaherong balik Metro Manila na kasabay ng pagtatapos ng Holy Week break.