Umabot na sa 15,625 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, 1,526 ang nananatiling aktibo sa COVID-19.
13,636 naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus habang 31 ang nasawi rito.
Dahil dito, patuloy ang ginagawang hakbang ng pamunuan ng AFP para mabakunahan ang kanilang tauhan at bigyang proteksyon sa banta ng COVID-19 at mga variants nito.
Sa ngayon nasa 108,010 na ng mga tauhan ng AFP ang nabakunahan na kontra COVID-19. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)